Ang kasalukuyang panahon ng globalisasyon ay nangangailangan ng bagong uri ng area studies. Ang Sophia University, makaraaang magkamit ng papuri sa loob ng bansa at sa ibang panig ng mundo bilang isang pangunahing institusyon ng Asian and Latin American Studies, ay nagbuo ng Graduate School of Foreign Studies noong Abril 1997 upang mabigyan pansin pa ang iba’t ibang rehiyon ng Asya at Latin America.
Ang SGPAS ay pangunahing binubuo ng pakultad mula sa tatlong departamento ng Foreign Studies: (1) Department of Asian Cultures, (2) Department of Spanish Language and Hispanic Studies, and (3) Department of Portuguese Language and Luso-Brazilian Studies. Karagdagan pa rito, ang SGPAS ay tinatangkilik ng mga dalubhasa mula sa tatlong pangunahing institusyon ng mga sumusunod: Institute of Asian Cultures, Iberoamerican Institute, at Center for Luso-Brazilian Studies ng Sophia University. Ito ay umaasa na ang mga mag-aaral ay magtaglay nang sapat na kaalaman tungkol sa kasaysayan, lipunan, kultura, pulitika, at ekonomiya at maging sa pangkaunlarang usapin ng isa sa mga rehiyon ng Asya (Timog-silangang Asya, Timog Asya at ng Gitnang-silangang Asya) o ng Latin America. Bukod dito, ang SGPAS ay nagnanais bigyang-diin na ang mga mag-aaral ay maging dalubhasa sa naturang rehiyon.
Ang mag-aaral na makakatapos ng Master’s program (15 sa bawat taon) ay gagawaran ng Master’s (Area Studies) degree; kahalintulad ng mga mag-aaral ng Doctoral program (5 sa bawat taon) na tatanggap ng Ph.D. (Area Studies) degree.
Ang SGPAS ay isang bagong paraan ng pananaliksik kung ihahambing sa mga naunang pag-aaral. Sa gayon, maaring magbuo ng teoriyang angkop. Madaig ang bukod tanging hamon nang pag-aaral ng lokal na salita na magiging daan upang makakamit ang panloob na pananaw sa nasabing rehiyon na humihingi nang ganap na pagsusuri.
Noong Abril 2006, tatlong programa ng Graduate School of Foreign Studies ay inihiwalay, at isa na nga rito ay ang SGPAS. Sa dakong huli, ang Graduate School of Global Studies na binubuo ng International Relations, Area Studies, at Global Studies ay naitatag.